Azucena Grajo Uranza

Talambuhay

Mahalagang bahagi ng kasaysayan ng daigdig ang World War II. Kabilang ang Pilipinas sa ilang bansang matinding napinsala ng digmaan. Ngunit sa kabila ng mga pinagdaanang hirap ng mga Pilipino noon, isang panulat ang hinasa ng digmaan—ang panulat ni Azucena Grajo Uranza. Ilang taon pa ang nagdaan, ang dating dalagang walang papel na masulatan, ay nagawang pahangain ang mundo sa kaniyang angking husay sa pagsusulat.

Papel ng Digmaan

Isinilang si Uranza noong Enero 27, 1929 sa Sorsogon. Sa paunang salita ng kaniyang nobelang Passing Season, ibinahagi ni Uranza na lumaki siya sa digmaan. Ito raw ay panahon kung saan namamayani ang takot para sa marami at mayroong kakulangan sa mga kagamitan tulad ng papel. Sa edad na 13, inumpisahan ni Uranza ang kaniyang pangarap. Nagsulat sa likod ng mga ligal na dokumentong itinago ng kaniyang ama na isang abogado.

Dahil dito, nakapagsulat si Uranza ng ilang nobelang tungkol sa digmaan nang matapos niya ang kaniyang pag-aaral sa Far Eastern University. Natapos niya ang kursong BA Journalism noong 1952 at MA in English noong 1969.

Kinilalang Karanansan

Nakapagsulat ng iba’t ibang nobela si Uranza katulad ng Bamboo in the Wind, Feast of the Innocents, Voices in a Minor Key, at Women of Tammuz. Dahil sa angking husay, kinilala siya ng iba’t ibang gawad parangal at patimpalak sa bansa tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards, Gintong Bai Award mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at Philippine Centennial Awards for Literature.

Popular Posts