Katanungan
bagay na bunga ng haraya?
Sagot
Ang haraya ay isa pang salita na nagbubunga sa mga imahinasyon, ilusyon, o guni-guni ng isang tao. Ang lahat ng mga ito ay pawing kathang isip o likhang isip lamang. Ito ay maaaring maglarawan sa kahit anong kaisipan, kahit anong paksa o ideya sa daigdig.
Maaaring ito ay isang kwento tungkol sa mga taong may angking kapangyarihan o kakayahan tulad ng paglipad, mabilis na pagtakbo, o may kakayahang magbasa ng mga isip ng tao.
Pwede rin itong tungkol sa isang lugar na hindi matatagpuan sa mundong ating ginagalawan. Walang limitasyon ang maaaring magawa o mabuo ng isang tao gamit ang kanyang imahinasyon.