Katanungan
Ano ang bahagi ng pamumuhay ng mga asyano kung saan nakakaapekto sa suplay ng pagkain?
Sagot
Ang bahagi ng pamumuhay ng mga Asyano kung saan nakaaapekto ang suplay ng pagkain ay ang agrikultura.
Agrikultura ang tawag sa sektor ng ekonomiya kung saan nakatuon sa produksiyon ng pagkain sa pamamagitan ng pagtatanim at pag-aalaga ng hayop.
Ang agrikultura ay isa sa mga pangunahing sektor ng ekonomiya ng Asya at sinasabing malakas ang agrikultura sa maraming bansa sa Asya dahil sa magandang klimang umiiral sa mga lugar na ito.
Ilan sa mga produktong mayabong sa sektor ng agrikultura sa Asya ang palay o bigas, mga prutas at gulay, maging ang mga halamang pinagkukuhanan ng tela at iba pang materyales sa pagtatahi.