Bahaging ginagampanan ng product market?

Katanungan Sagot

10

Katanungan

bahaging ginagampanan ng product market?

Sagot verified answer sagot

Isang uri ng pamilihan ang tinatawag na product market, o sa wikang Filipino ay pamilihang pamprodukto. Ang ginagampanan ng isang product market sa pamilihan ay dito ibinebenta ang suplay ng mga produktong gawa para sa publiko.

Kadalasan, ang demand para sa mga produkto mula sa isang product market ay nanggagaling sa mga kabahayan o sa mga ordinaryong mamimili.

Hindi lamang iisa ang taga-benta o pinagkukuhanan ng suplay sa isang product market. Halimbawa ng mga product market o pamilihang pamprodukto ay kagaya ng isang pamilihan ng gulay o karne. Ang mga supermarkets o grocery stores ay halimbawa rin ng product market.