Bahay sambahan ng mga Sumerian?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bahay sambahan ng mga sumerian?

Sagot verified answer sagot

Ang bahay sambahan ng mga Sumerian ay tinaguriang ziggurat. Matatandaan na ang Sumer ay ang pinakaunang lungsod-estado na naitala sa sinaunang kasaysayan. Ito ay matatagpuan sa Mesopotamia, na siya naman ring kinabibilangan ng Fertile Crescent.

Dahil ang Sumer ang pinakauna at pinakamatandang lungsod-estado, pinaniniwalaan ng mga dalubhasa na sila ang nagpasimula ng lahat.

Mula sining, teknolohiya, mga lathalain, maging relihiyon. Tinayo ng mga Sumerians ang mga ziggurat, mga piramide, na nagsilbi bilang kanilang bahay sambahan.

Wala pang partikular na relihiyong sinusundaan ang mga Sumerians noon. Sila ay nananampalataya sa maraming diyos. May diyos ng araw, diyos ng tubig, diyos nga hangin, at mga iba pa.