Bakit ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal?

Sagot verified answer sagot

Bakit ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalAng pamilya ang orihinal na paraalan ng pagmamahal dahil ang pundasyon ng isang pamilya ay ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Sa pamilya unang natututuhan ang pagmamalasakit, ang pagkakaroon ng pagkalinga sa iba at sa sarili, at maging ang pagsuporta sa mga bagay na gustong gawin.

Pamilya kasi ang laging kasama ng isang tao mula sa kaniyang pagkabata at hanggang sa pagtanda. Karamihan sa mga pamilya ay gumagawa ng kanilang paraan upang ipakita at ipaalam sa bawat miyembro na ang pagmamahal ay ang pinakamagandang regalong maibibigay ng isang miyembro sa isa pa. At ang pagmamahalang natutuhan sa pamilya ay nadadala rin hanggang sa labas ng tahanan.