Bakit bawal hawakan ang adams apple ng lalaki?

Katanungan

bakit bawal hawakan ang adams apple ng lalaki?

Sagot verified answer sagot

Bawal hawakan ang adams apple ng lalaki sapagkat ito ay nagdudulot ng masakit na pakiramdam sa parting lalamunan.

Ang adams apple o sa teknikal na tawag ay prominentia laryngea o higit na kilala sa tawag na lalagukan ay isang karaniwang katangiang makikita sa leeg ng mga indibidwal partikular na sa mga kalalakihan.

Nabubuo ito sa pamamagitan ng pangtayroyd na kartilyo na matatagpuan namang nakapaligid sa kahon ng tinig o larynx.

Kadalasan itong mapapansin sa mga may gulang na lalaki na sanhi ng pagkakaroon ng mas mababang tinig kumpara sa mga kababaihan. Sa estado ng pagbibinata, ito ang dahilan ng pagkaranas sa pagpiyok ng mga kalalakihan.