Bakit binuo ng mga Pilipino ang mga kilusan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit binuo ng mga pilipino ang mga kilusan?

Sagot verified answer sagot

Alam nating lahat na sumailalim sa kolonyal na pamamahala ng Espanya ang ating bansang Pilipinas. Ilang daang taon rin namalagi at namahala ang mga Espanyol sa ating sariling bansa.

Kaya naman may iilang mga mamamayang Pilipino ang nabuksan ang makadamdaming bayan at itinatag ang kilusan. Ang kilusan ay binuo ng mga matatapang at magigiting na mga Pilipino, na ngayon ay tinatawag na natin bilang mga bayani.

Itnatag nila ang kilusan upang labanan ang mapang-abusong kolonyalismo ng Espanya. Nais nilang makamit ang independensiya ng ating bansa.

Ipinaglaban nila ang karapatan ng milyon-milyong mga mamamayang Pilipino. Matapang nilang nilabanan ang mga dayuhang mananakop hanggang sa kanilang huling hininga.