Bakit bumagsak ang kabihasnang Mayan?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit bumagsak ang kabihasnang mayan?

Sagot verified answer sagot

Isang meso-American ang kabihasnang Mayan. Isa ito sa mga pinakatanyag na kabihasnang matatagpuan sa komunidad ng Latin at Central America. Ngunit tulad ng ibang sibilisasyon ay tuluyang bumagsak ang kabihasnan na ito.

Ang mga itinuturing na dahilan ay ang sobrang populasyon ng buong kabihasnan. Naging sakitin ang mga mamamayan dahil sa patuloy na pagdami ng tao.

Pabago-bago rin ang naging klima sa kabihasnan. Kung hindi man tuloy-tuloy ang buhos ng tubig tuwing tag-ulan ay sobra-sobra naman ang naging tagtuyot tuwing tag-araw.

Marami sa kanilang mga negosyo, produkto, at iba pa ay naapektuhan. Bumaba ang ekonomiya at siya namang bumagsak ang kabihasnan.