Bakit dapat matutunan ng isang mag-aaral ang ekonomiks at ang kaugnayan nito sa paggawa ng desisyon?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit dapat matutunan ng isang mag-aaral ang ekonomiks at ang kaugnayan nito sa paggawa ng desisyon?

Sagot verified answer sagot

Bakit dapat matutunan ng isang mag-aaral ang ekonomiks at ang kaugnayan nito sa paggawa ng desisyonDapat matutuhan ng isang mag-aaral ang ekonomiks at ang kaugnayan nito sa paggawa ng desisyon dahil ang ekonomiks ay bahagi na talaga ng ating buhay.

Kaakibat ng ekonomiks ang paggawa ng desisyon, mula sa pagbili ng isang bagay, paggasta ng perang hawak mo, pagkakatiwala ng iyong produkto sa iba pang negosyante, at maging paggawa ng pasya kung sino ang magiging katuwang sa negosyo.

Ang ekonomiks din ang nagtuturo sa atin na magdesisyon na ginagamit ang isip at tintimbang ang anumang pagpipilian na mayroon ang isang tao.

Kailangan kasi sa ekonomiks na sigurado sa bawat pasyang gagawin upang maging produktibo at makamit ang tagumpay na inaasam.