Bakit dapat nating suriin ang mga halaman?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit dapat nating suriin ang mga halaman?

Sagot verified answer sagot

Dapat nating suriin ang mga halaman o punong ornamental na ating itatanim upang hindi masayang ang pagod, lakas, pera, at oras at upang makasiguro tayo na magiging maayos ang pag-usbong at pagtubo nito.

Mahalagang suriin ang mga ito para mas mabilis matukoy o malaman ang isang uri ng halaman nang sa gayon ay makatiyak at makasiguro tayo na tatagal ang buhay ng bawat halaman na ating itatanim.

Tatagal ang buhay ng mga halaman o punong ornamental kung ating paghahandaang mabuti ang lupang pagtataniman, kung wasto ang ating pamamaraan ng pagpapatubo ng mga buto at sangang-pantanim, at kung masinsin o mabusisi ang pag-aalaga nating habang ang mga ito ay lumalaki at sumisibol.