Bakit hinahangaan ang sinaunang kabihasnang Greece sa larangan ng arketiktura?

Katanungan

bakit hinahangaan ang sinaunang kabihasnang greece sa larangan ng arketiktura?

Sagot verified answer sagot

Arkitektura ang isa sa mga larangan kung saan kilala at hinahangaan ang kabihasnan ng sinaunang Griyego.

Talaga namang kamanghang-mangha ang mga naitatag na istruktura noong kabihasnaang Gresya tulad ng Parthenon na isa sa mga naging dahilan kung bakit nakilala ang mga Griyego sa kanilang talento pagdating sa arkitektura.

Hanggang ngayong bagong panahon, patuloy nating makikita ang impluwensiya ng mga Griyego sa arkitektura. Marami pa ring istruktura ang hango sa kanilang disenyo.

Tila ba hindi kumukupas sa panahon ang estilo ng kanilang mga istruktura. Maliban sa arkitektura, malaki rin ang naging ambag ng kabihasnang Griyego sa ibang larangan tulad ng sining at panitikan.