Bakit hindi dapat tumigil sa pakikilahok sa pagpapatakbo ng estado kahit na marumi at magulo ang lipunang pampolitika?

Katanungan Sagot

Katanungan

Marumi at magulo ang lipunang pampolitika, pero dapat ba na itigil natin ang pakikilahok sa pagpapatakbo nito?

Sagot verified answer sagot

Kahit na marumi at magulo ang lipunang pampulitika ay hindi dapat tumigil sa pakikilahok sa pagpapatakbo ng estado ang mga nais mamuno at maglingkod. Ito lamang ang natatanging paraan upang magkaroon ng isang lider o pinuno na may pagmamalasakit sa bansa.

Sa pamamagitan ng pakikilahok sa pagpapatakbo ng estado ay nabibigyang pansin ang mga mamamayang Pilipino na hindi lamang may malasakit para sa kanilang inang bayan ngunit mayroon ring mga pangitain at layunin na ikauunlad ng bansa.

Bagamat marumi ang lipunang pampulitika ay kailangan magkaroon ng mga tao na susubok at magpapabago rito upang tuluyang mapalitan ang bulok at magulong sistema.