Katanungan
bakit hindi maaaring ihiwalay ang panloob na kilos sa panlabas na kilos?
Sagot
Hindi maaaring ihiwalay ang panloob na kilos sa panlabas na kilos dahil naaapektuhan ng kawalan ng panloob na kilos ang kilos na naisasagawa ng tao sa panlabas.
Ang kilos na panloob ay ang mga gawi na umuusbong sa kilos-loob at isip ng tao. Ang kilos na ito ang siyang magdidikta ng mga ipapakitang galaw ng tao sa panlabas o ang kilos panlabas.
Kung kaya naman ang dalawa ay hindi maaaring maghiwalay dahil kung walang kilos na panloob, ang panlabas ng kilos ay maaaring makapagdulot ng masama sa sarili at sa kapwa. Ang dalawang kilos na ito ay nararapat na magtugma upang makapagpakita ng isang kaaya-ayang gawa.