Bakit hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit hindi maaaring magmahalan sina romeo at juliet?

Sagot verified answer sagot

Ang dulang pinamagatang Romeo at Juliet ay isa sa mga tampok na dulang isinulat ng kilalang makata na si William Shakespeare. Ang dulang ito ay isang trahedya patungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao na hinahadlangan ng kanilang mga angkan.

Si Romeo ay nagmula sa angkan ng mga Montague habang si Juliet naman ay ipinanganak sa angkan ng mga Capulet. Ang mga Montagues at Capulets ay likas nang magkaaway, bago pa man maisisilang ang dalawang bida. Kaya naman sinasabing hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet.

Natapos ang dula na hindi nakamit ng mga bidang sina Romeo at Juliet ang nais na magpakasal at mag-ibigan na walang humahadlang.