Katanungan
bakit hindi maiwasang lumahok sa pag aangkat at pagluluwas ang pambansang ekonomiya ipaliwanag?
Sagot
Sa larangan ng ekonomiks, pinag-aaralan ang proseso kung saan nagpapalitan ng produkto o serbisyo ang bawat bansa sa buong mundo.
Nakikilahok ang bawat bansa, maging ang ating sariling bansang Pilipinas, sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto o serbisyo.
Ito ay isa sa mga dahilan kaya nagiging maunlad ang ekonomiya ng ating bansa. Ilan lamang sa mga kilalang produkto na inaangkat at iniluluwas ng ating bansa ay katulad ng mga produktong pang-agrikultura gaya ng saging, mais, mangga, at palay.
Ang mga bansang pinadadalhan natin ng mga ito ay kabilang na ang South Korea, Amerika, Australia, at marami pang ibang mga bansa.