Katanungan
bakit hindi tuluyang nasakop ng mga espanyol ang mindanao?
Sagot
Hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao dahil sa pagkakaisa at katapangan ng mga naninirahan dito upang ipagtanggol ang kanilang lupain.
Sa pagpasok ng mga mananakop na Espanyol sa bansa, dala nila ang layunin na maipalaganap ang paniniwalang Kristiyanismo sa mga Pilipino.
Subalit, ng masakop ng mga ito ang Luzon at Visayas, naging mapagmalabis at mapagsamantala ang mga Espanyol na naging dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino dahil kinamkam ng mga mananakop na ito ang mga lupaing sinasaka ng mga tao subalit, hindi nasakop ng mga ito ang Mindanao sapagkat matapang at may pagkakaisang lumaban ang mga Muslim sa mga ito.