Bakit humantong sa masaklap na trahedya ang pag iibigan nina Romeo at Juliet?

Katanungan Sagot

6

Katanungan

bakit humantong sa masaklap na trahedya ang pag iibigan nina romeo at Juliet?

Sagot verified answer sagot

Humantong ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet sa trahedya dahil sa pagtutol ng mga kani-kanyang mga magulang. Ang dulang Romeo at Juliet ay akda ng kilalang manunulat na si William Shakespeare.

Ang kwento ay umikot s pag-ibig na namutawi sa dalawang nilalang na mula sa magkaibang maharlikang pamilya na may malaking alitan.

Kung kaya naman naging ahdlang ang mga magulang nina Romeo at Juliet sa kanilang pagmamahalan at sila ay pinilit na paglayuin.

Dahil sa lalim ng pag-ibig, nagbalak silang dalawa tumakas sa pamamagitan ng isang plano. Nagpanggap na wala ng buhay si Juliet subalit hindi nabatid ni Romeo ang dahilan ng pangyayaring ito kung kaya inakala niyang wala ng buhay si Juliet.

Dahil dito, nagpakamatay si Romeo na sa pagmulat ng mga mata ni Juliet nakita niya na wala na ang kanyang iniibig na naging sanhi upang kitlin din niya ang kanyang buhay.