Katanungan
bakit inaawit ang lupang hinirang?
Sagot
Ang pambansang awit na Lupang Hinirang ay inaawit bilang tanda ng paggalang. Ang pambansang awit ng Pilipinas na pinamagatang Lupang Hinirang ay naisulat taong 1898 ng tanyag na manunulat na si Jose Palma.
Samantala, ang nagbigay ng himig sa awiting ito ay si Julian Felipe. Ito ay unang pinatugtog noong ika 12 buwan ng Hunyo taong 1898 bilang tanda ng pagkakalaya ng Pilipinas sa kamay ng mga mananakop.
Ang awiting ito ay hango sa tatlong awitin, ang pambansang awit ng Espanya na Marcha Real, ang pambansang awit ng Pransya na La Marseillaise, at awiting Giuseppe Verdi’s Aida.
Ito ay inaawit sa kasalukuyan upang bigyang galang ang mga naging sakripisyo ng mga Pilipino upang mapalaya ang bansa.