Bakit inaawit ang pambansang awit?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

bakit inaawit ang pambansang awit?

Sagot verified answer sagot

Ang pambansang awit ay inaawit bilang simbolo ng isang kalayaan at pagka-Pilipino. Ang bawat bansa ay mayroong mga pambansang awit.

Ang pambansang awit na kung saan sumisimbolo ito sa pagkakakilanlan ng bawat nasyonalidad. Ang bawat pambansang awit ng bawat bansa ay higit na mahalaga sapagkat ito ay nagtataglay ng kasaysayan.

Isang kasaysayan na maaaring kinapapalooban ng iba’t ibang kwento ng pkikibaka at paglaya. Kung kaya naman ito ang itinuturing na pagkakakilanlan ng bawat bansa.

Ang awiting ito ay inaawit ng hindi katulad sa pang-karaniwang awitin sapagkat ito ay inaawit ng buong dangal habang nakaharap sa watawat upang magbigay galang.