Bakit inihahambing sa isang barkadahan ang lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit inihahambing sa isang barkadahan ang lipunan?

Sagot verified answer sagot

Naihahambing ang barkadahan sa lipunan sa kadahilanan na isinasaalang-alang ng bawat miyembro ang kalagayan ng bawat isa na kasali sa barkadahan.

Sa isang barkadahan ay hindi mawawalan ang pag-aalaga at pag taguyod ng pagsasama-sama sa hirap man o ginhawa ng magkakaibigan dahil ito ang pundasyon ng kanilang samahan at tiwala sa isa’t isa.

Mahalagang kasangkapan sa barkadahan ang pag respeto sa pagkatao ng iba, tiwala, at pagmamahal sa kapwa dahil hindi ito matibay kung wala ang mga batayan na mga ito.

Parehas din sila dapat ng lipunan upang tumibay ang pagsasama ng mga tao at nirerespeto ang isa’t isa kahit ano pa ang itsura, nasyonalidad, o katangian ng isang indibidwal.