Katanungan
bakit ipinagdiriwang ang pista?
Sagot
Isa sa makulay na parte ng ating kultura ay ang pagkakaroon ng mga pista. Ang pista ay isang pagdiriwang patungkol sa isang bagay.
Sa ating kultura, kadalasan ang pista ay nakaugnay sa mga santo at santa mula sa ating pananampalataya. Ipinagdiriwang natin ang pista upang magbigay parangal sa mga santo at santa. Idinala ng mga Espanyol at ipinakilala ang pagpipista sa atin noong sinakop nila ang ating bansa.
Karamihan sa mga Pilipino hanggang ngayon ay sumusunod sa pananampalatayang Kristiyanismo kaya naman idinaraos parin ang iba’t-ibang uri ng pagpipista sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas. Halimbawa na lamang ang Ati-atihan sa Cebu kung saan binibigyang parangal ang Santo Nino.