Bakit isinulat ang bionote?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit isinulat ang bionote?

Sagot verified answer sagot

Bakit isinulat ang bionoteAng bionote ay isinusulat sa iba’t ibang dahilan. Una na rito, upang ipaalam sa iba ang maikling tala tungkol sa buhay ng isang tao at ang kaniyang kredibilidad sa larangang kinabibilangan.

Ito ay nagsisilbing pakilala ng isang tao sa kaniyang mga manonood at mambabasa. Sa iilang salita na hindi kasing haba ng autobiography, ang bionote ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang tao.

Masasabing maikli man ang bionote kompara sa autobiography, mas siksik naman ito sa kaalaman na nakatutulong sa iba’t ibang pagkakataon tulad ng mga programa at pagpapakilala tungkol sa awtor ng isang aklat kaya naman madalas din itong gamitin.