Bakit isinulat ang Noli Me Tangere?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit isinulat ang noli me tangere?

Sagot verified answer sagot

Isinulat ni Dr. Jose P. Rizal, ang Pambansang bayani ng bansang Pilipinas, ang akdang Noli Me Tangere sa dalwang kadahilanan:

Una, upang isiwalat sa publiko ang tunay na lagay ng bansang Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga mananakop na Kastila; at ikalawa, upang gisingin ang natutulog na isipan at puso ng mga mamamayang Pilipino.

Ang Noli Me Tangere o sa tagalog ay Huwag mo Akong Salingin na binigyang pamagat sa ingles na Touch me Not ay isang akda ni Jose Rizal na naging tulay upang malaman ng mga Pilipino ang tunay na anyo ng mga kastila at tunay na lagay ng bansa sa kamay ng mga ito. Ang nobelang ito ay pinaniniwalaang sinimulan taong 1884 at natapos noong 1886.