Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan? icompare ko lang sana yung sagot ko sa iba para mas may idea ako!

Sagot verified answer sagot

Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng lipunanAng pamilya ang masasabi nating pundasyon ng lipunan dahil ito ang pinakamaliit nay unit. Pinakamaliit man, ngunit malaki ang papel ng pamilya sa isang lipunan, maging sa kabuuan ng bansa.

Ang bawat isa sa atin, gaano man karangya ang pumumuhay, ay bahagi ng isang pamilya. Ang pamilyang ito ang humuhubog sa ating pagkatao simula sa pagkabata hanggang sa araw na kaya na nating bumuo ng sariling pamilya.

Hindi natatapos ang pagbuo at pagkakaroon ng pamilya ng bawat miyembro ng ating lipunan. Sa bawat henerasyong mabubuo, isang pamilya ang nabubuo rin. Kaya naman ito ang pundasyon ng lipunan dahil walang malaking pamayanan kung hindi naman nagkakaroon ng pamilya.