Bakit kailangan ang buwis sa isang bansa?

Katanungan

bakit kailangan ang buwis sa isang bansa?

Sagot verified answer sagot

Ang buwis ay kailangan sa isang bansa upang may mapagkunan ng mga ponding magagamit sa pagsasakatuparan ng iba’t ibang proyekto.

Ang buwis ay isang uri ng bayarin na ipinapataw sa manggagawa, negosyante, prodyuser, consumer, at pati sa iba’t ibang produkto.

Nagkakaiba-iba ang uri ng buwis na binabayaran ng mga tao subalit ito ay isang obligasyon ng mga kompanya gayundin ang mga manggagawa.

Dahil sa mga buwis na nakokolekta ng pamahalaan, sumisigla ang industriyang lokal ng isang bansa. Ito ang nagiging tulay upang sa gayon ay maipatupad ng isang bansa ang mga proyektong higit na magbibigay ginhawa o kapakinabangan sa bawat mamamayan.