Katanungan
bakit kailangan ang paglalaan ng sapat na panahon bago magsagawa ng pasiya?
Sagot
Ang paglalaan ng sapat na panahon bago magsagawa ng pasiya ay upang mapag-isipan ng mabuti ang tama at dapat gawin para hindi makapagdulot ng pinsala sa iba o sa kapwa.
Ang pagpapasiya ay isang gampanin ng indibidwal na mayroong kaakibat na malaking responsibilidad dahil dito nakasalalay ang aksyon na gagawin ng isang tao na maaaring magdulot ng maganda o mabuti sa kapwa o di naman kaya ay maaaring makasakit sa iba.
Kung kaya naman, ang tiyak na panahon upang mas makapag-isip ng maayos hinggil sa desisyong gagawin ay higit na hinihikayat upang mabalanse ng indibidwal ang mabuti at masamang dulot ng pasiya na siyang magtatakda kung gagawin o hindi ang kilos.