Bakit kailangan magkaroon tayo ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang yaman?

Katanungan

bakit kailangan magkaroon tayo ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang yaman?

Sagot verified answer sagot

Kailangang magkaroon tayo ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang yaman dahil ito ang makatutulong upang matugunan natin ang bawat pangangailangan.

Ang pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan maging sa mga pinagkukunang yaman ay tungkuling dapat gampanan ng bawat isa dahil sa pamamagitan ng mga ito natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay.

Marapat ang wastong pagpapahalaga upang masiguro na ang kabuhayan ay magagamit sa mabuting pamamaraan samantalang mapa-uunlad naman ang likas na yaman upang maiwasan ang suliranin sa pagka-ubos at pagkawasak ng mga ito.

Bilang mga indibdiwal, tayo ay nakadepende sa mga likas na yaman at kabuhayan sa ating lipunan, kung ang mga ito ay mapababayaan, tayo ay mahihirapang mabuhay.