Bakit kailangan mapanuri sa mga nagaganap sa ating kalikasan sa kasalukuyan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit kailangan mapanuri sa mga nagaganap sa ating kalikasan sa kasalukuyan? Meron na akong gawa pero gusto ko pa sana dagdagan yung aking paliwanag..

Sagot verified answer sagot

Bakit kailangan mapanuri sa mga nagaganap sa ating kalikasan sa kasalukuyanMahalaga ang pagiging mapanuri sa mga nagaganap sa ating kalikasan dahil bilang tao, malaki ang responsibilidad natin upang mapangalagaan ito.

Hindi kinakailangan ng posisyon sa pamahalaan upang magkaroon ng pakialam sa kalikasan dahil magkakatulad naman tayong nakikinabang dito. Kung mawawala ang kalikasan at tuluyang mapabababayaan, hindi na ito mapapalitan.

Tandaang sa kalikasan tayo nakaasa sa ating ikabubuhay, kung saan tayo kumukuha ng ating pagkain sa araw-araw, at maging ang malinis na hanging at hinihinga kaya naman mahalagang pangalagaan ito.

Kung mangyayaring hindi na natin mapakikinabangan ang kalikasan, pare-pareho tayong mawawalan na rin ng pag-asa at karapatang mabuhay pa nang mas matagal sa ibabaw ng daigdig.