Bakit kailangan mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng prevention and mitigation?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit kailangan mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng prevention and mitigation?

Sagot verified answer sagot

Upang mabatid ang panganib o sakuna na maaaring kaharapin at ang kakayahan ng mga naninirahan sa lugar na iyon na suungin o tugunan ang mga suliraning ito ang dahilan kung bakit kailangan unahin ang pagtataya sa yugto ng prevention at mitigation.

Ang Disaster Prevention at Mitigation ay nagsasagawa ng isang plano upang mapaghandaan ang suliraning pangkapaligiran na maaaring kaharapin ng lugar na nasasakupan.

Unang-unang isinasagawa nila ay ang pagtataya. Sa pagtataya inaalam kung anong mga panganib ang pwedeng maganap at maranasan ng mga mamamayan.

Kapag tukoy na ang mga ito ay pag-aaralan naman ang kung anong kakayahan ng pamayanan upang tugunan ito. Matapos makalap ang mga impormasyong iyan ay tsaka bubuuin ang plano upang maging mahanda sa anumang sakuna.