Bakit kailangan mong matutong bumasa at sumulat?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

bakit kailangan mong matutong bumasa at sumulat?

Sagot verified answer sagot

Ang pagbasa at pagsulat ay isa sa limang mga mahahalagang kasanayan na dapat matutunan ng isang indibidwal mula sa kanyang pagkabata.

Ang pagbasa at pagsulat ay mahalagang salik sa buhay ng isang tao sapagkat ito ay kanyang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay.

Ang pagbasa ang tumutulong upang maunawaan niya ang mga kaisipan at ideyang nakapaloob sa isang kaisipan at upang mapagtagumpayan ang mga maaaring suliraning kaharapin.

Sa kabilang banda, ang pagsulat ay ginagamit ng mga tao upang maipahayag ang kanilang damdamin o mahasa ang kanilang angking talent sa larangang ito.

Ang dalawang ito ay mahalaga rin sapagkat isa ang mga ito sa mga susi upang mapagtagumpayan ng isang indibidwal ang kanyang pangarap o mithiin sa buhay.