Bakit kailangan nating pag aralan ang isyung personal at panlipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit kailangan nating pag aralan ang isyung personal at panlipunan?

Sagot verified answer sagot

Bakit kailangan nating pag aralan ang isyung personal at panlipunanMahalagang pag-aralan ang mga isyung personal at panlipunan dahil magkatulad silang nakaaapekto sa ating buhay.

Ang mga isyung personal ay mga isyung kinahaharap ng ating sarili. Mahalaga itong mapag-aralan dahil sa ganitong paraan ay nabibigyan natin ng wasto at tamang solusyon kung anuman ang kinahaharap natin sa kasalukuyan.

Ang mahalaga ay magawan natin ng paraan ang mga isyung personal na kinahaharap natin at hindi natin hinahayaang matalo tayo nito.

Ang mga isyung panlipunan naman ay mahalaga ring harapin dahil bahagi tayo ng lipunan. Mahalaga ang ating boses at kilos upang mabigyan ng angkop na solusyon ang malawakang problema o usaping kinahaharap ng kinabibilangan nating lipunan.