Bakit kailangan niyang gumamit ng alegorya?

Katanungan

bakit kailangan niyang gumamit ng alegorya?

Sagot verified answer sagot

Gumamit ng alegorya si Balagtas sa kanyang obra maestra upang masalamin ang nakakubling mensahe at simbolismo nagpapakita ng kalupitan at pagmamalabis ng mga mananakop na Espanyol.

Ang alegorya o sa ingles ay allegory ay isang pampanitikang kagamitan na nagpapakita ng paggamit ng abstrak upang maipakita ang kaisipan ng isang akda.

Ito ay karaniwang gumagamit ng mga simbolismo o larawan upang ipakita ang natatagong mensahe. Ang paggamit ng ganitong uri ng pampanitikang kagamitan ay upang hindi lantarang ihayag ang mensahe sapagkat ang alegorya ay nakatutulong sa pagpapalalim at pagpapalawak ng imahinasyon ng isang tao.

Ang isang halimbawa nito sa kasalukuyang panahon ay ang paglalarawan sa hustisya gamit ang isang babaeng may piring o takip ang mga mata.