Katanungan
bakit kailangang ipagtanggol ng mga mamamayan ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa?
Sagot
Kailangang ipagtanggol ng mga mamamayan ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa upang mapangalagaan nito ang mga bahaging nasasakupan at maiwasan ang maaaring pagmamalabis ng ibang mga bansa.
Ang bawat teritoryo o bansa ay nahahati-hati batay sa lokasyong kinalalagyan nito. Ang mga teritoryo o mga lugar na matatagpuan sa mga bahaging nasasakupan nito ay maituturing na pagmamay-ari ng bansang nakasasakop dito.
Subalit, sa kasalukuyang panahon, humaharap ang bansang Pilipinas sa isyu ng pakikipag-agawan sa isang isla laban sa Tsina.
Sa usaping ito, nararapat na ilaban ng mga Pilipino ang hangganan ng kanilang teritoryo upang hindi ito mapasakamay ng ibang bansa at magamit sa pansariling pag-unlad. Sa pagtatanggol nito nakakamtan din ng bansa ang kalayaang hinahangad.