Katanungan
bakit kailangang isaalang-alang ang proporsyon at espasyo sa pagguhit?
Sagot
Sa pagguguhit, kinakailangan na isaalang-alang ang proporsyon at espasyo ng iguguhit na larawan dahil mas magiging makatotohanan ang itsura ng iguguhit.
Proporsyon ang tawag sa isang konsepto ng pagguhit kung saan binibigyang pansin at pokus ang sukat ng bagay na ilalarawan.
Kasama rito ang haba, taas, at lalim, o sa wikang Ingles ay ang height, width, at depth. Sa kabilang banda naman, ang espasyo o sa wikang Ingles ay space, ay isang elemento sa pagguhit.
Ito ang elemento na tumitingin sa area o nasasakupan ng isang guhit sa papel o kung anumang ginamit para sa pagguhit. Ang dalawang nabanggit ay lubos na importante sa sining.