Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasya ng tao?

Katanungan

bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasya ng tao?

Sagot verified answer sagot

Ang pagpapasya ng tao ay dapat mabigyan ng sapat na panahon upang higit na matimbang ng indibidwal ang maidudulot ng pasya sa taong nakapaligid sa kanya.

Ang paggawa ng pasya o pagbibigay desisyon ng tao ay nangangailangan ng sapat na panahon at hindi minamadali upang masiguro at matimbang nito ang mga posibleng epekto o kahihinatnan ng kanyang gagawing pasya.

Ang pasya bukod sa ikabubuti ng sarili ay dapat na makabubuti rin sa kapwa upang maging kasiya-siya at mas makatarungan.

Ito ay dapat pinag-iisipan at hindi basta isinasagawa upang makatiyak sa mga posibilidad na kaakibat ng gagawing pasya o desisyon.