Katanungan
bakit kailangang maghanapbuhay ang tao?
Sagot
Ang paghahanapbuhay ng isang tao ang makakatulong sa kanyan upang matustusan niya ang kanyang pang araw-araw na gastusin at pamumuhay.
Kaya naman napakahalaga na ang isang tao ay may matinong trabaho o hanapbuhay. Kailangan niyang kumita dahil sa paraan naito lamang siya magkakaroon ng sarili niyang pera na mailalaan niya para sa kanyang pansariling gamit at interes.
Ang paghahanapbuhay ay nakakatulong rin sa ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ang paraan kung paano ang isang tao ay makakatulong sa kanyang kapwa.
Halimbawa nalang ay kung doktor ang hanapbuhay ng isang tao, siya ang lalapitan ng mga kapwa niya na may sakit.