Bakit kailangang maging responsable sa mga bagay na iyong gagawin?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit kailangang maging responsable sa mga bagay na iyong gagawin? Medyo careless po kasi ako HAHAHA salamat sa makakatulong sakin!

Sagot verified answer sagot

Bakit kailangang maging responsable sa mga bagay na iyong gagawinMahalaga ang pagiging responasable sa mga bagay dahil bawat aksiyon na gawin natin ay may resulta, at may pananagutan tayo anuman ang kalabasan nito.

Ang pagiging responsible sa mga kilos natin ay nagbubunga ng mapayapang damdamin, konsiderasyon sa kapuwa, at mabuting layunin.

Kung alam natin na ang ikikilos natin ay para sa mabuting gawi, siguradong wala tayong matatapakang tao at masasaktang mga damdamin.

Mahalagang alam natin ang maaaring kalabasan ng kilos o gawain natin upang kung sakaling magbunga man ito ng hindi maganda, alam natin kung paano ito isasaayos at kung paano aaksyunan ang magiging bunga ng ating kilos. Sabi nga nila, lahat tayo ay may responsibilidad.