Bakit kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa diyos ang isang tao?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa diyos ang isang tao?

Sagot verified answer sagot

Kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa Diyos ang isang tao sapagkat ang malalim na paniniwala sakanya ay gumagabay sa atin upang maging mabuti sa kapwa at sa lahat ng lalang niya.

Siya rin ang ating sandalan at nagbibigay kalakasan upang pagtagumpayan ang bawat suliraning ating kinahaharap sa buhay.

Ang Diyos ang pinaniniwaang lumikha sa lahat ng buhay na mayroon ang mundo at ang tao ang may pinakamataas na antas sa lahat ng ito.

Ang bawat indibidwal ay nananalig at nagtitiwala sa kanya sapagkat ang mga salita niya ay ang nagsisilbing gabay ng bawat isa kung paanong ang kabutihan ay ipamamalas o ipadarama sa lahat.

Siya rin ang nagsisilbing sandalan sa tuwing idinadapa tayo ng mga suliranin sa buhay. Sa paggabay niya tayo ay nakakukuha ng kalakasan upang ipanalo ang bawat hamon na ibinabato ng buhay.