Bakit kailangang may hangganan ang kalayaan ng tao?

Katanungan Sagot

10

Katanungan

bakit kailangang may hangganan ang kalayaan ng tao?

Sagot verified answer sagot

Ang bawat tao sa mundo ay may tinatamasa na kalayaan. Ang pagiging malaya ay isa sa mga karapatang pantao. Ngunit ang kalayaan ay may hangganan sapagkat magkakagulo ang buong mundo kung walang magiging limitasyon ang mga tao.

Makikita natin ang hangganan ng kalayaan ng mga tao sa pamamagitan ng mga batas at alituntunin. Ang mga batas at alituntunin na ito ang sumisiguro na walang abusong magagawa o walang makakasakit sa kapwa.

Dahil kung tunay na magiging malaya ang isang tao ay tiyak na hindi na niya iisipin ang tama sa mali sapagkat wala namang pumipigil sa kanya. Kaya kahit kailanman ay hindi magiging walang hanggan ang kalayaan.