Bakit kailangang simulan ang labanan kahit hindi pa handa ang mga katipunero?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit kailangang simulan ang labanan kahit hindi pa handa ang mga katipunero?

Sagot verified answer sagot

Bakit kailangang simulan ang labanan kahit hindi pa handa ang mga katipuneroKailangang simulan ang labanan o himagsikan kahit hindi pa handa ang mga Katipunero sapagkat nabuko na ang kanilang lihim na samahan.

Dahil sa ibinigay na impormasyon ng kasapi ng KKK na si Teodoro Patiño sa Augutinyanong pari, nalahad na ngayon ang lihim na samahan ng mga katipunero.

Dahil dito, agad na nagpatawag ng pulong si Andres Bonifacio sa mga miyembro ng katipunan mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.

At isa sa mga una nilang naging hakbang ay ang pagtitipon-tipon sa Balintawak kung saan sabay-sabay nilang pinunit ang kanilang mga sedula, hudyat na sila ay tumutuligsa na ngayon sa mga mananakop na Kastila.