Bakit Kaya Ang Tamad Ng Teacher Ko?

Meron akong teacher dati noong Highschool. Napakatamad niyang magturo sa amin mga estudyante. Umaga palang pero muka na siyang antok na antok sa ginagawa niya. Ang kanyang mga mata ay halos pumikit na. Kapag siya ay nagsalita walang gana, akala mo hindi nag-almusal. Nakapagtataka ng sobra kung bakit ganyan siya. Ayaw niya ba sa amin? Mabait naman kami ah? Ayaw niya ba sa trabaho niya? May problema ba siya? Yan ang iilan sa mga tanong ko sa sarili ko.

Bakit nga ba wala siyang ganang magturo sa amin? Diba teacher siya? Yan ang kanyang tungkulin. Dapat sana nag-ibang propesyon nalang siya kung ayaw niyang magturo. Kasi pati kami na mga bata na gustong matuto araw-araw ay napipinsala sa katamaran niya. Ayaw naman namin siya ireport sa Principal dahil baka siya ay matanggal sa kanyang trabaho. Nakakaawa din kasi!

May mga araw pa na hahayaan niya lang kaming magingay sa klase tapos siya ay yuyuko sa kanyang mesa at matutulog. May mga araw naman na hindi siya magtuturo sa amin, meron lang siyang ipapabasa o di kaya ay mayroong ipapagawa sa aming activity na wala naman kabuluhan. Yung halatang hindi manlang pinagisipan. Para lang mayroon kaming magawa sa oras na iyon at siya ay makatulog.

Siguro dahil pinaka murang kurso ang pagtuturo sa kolehiyo. Kaya ang ibang tao ay napipilitan kumuha nito upang makapagtapos lamang. Sa bansa kasi natin, parang inuudyok ng pamahalaan na mas dumami ang mga guro kaya minumurahan o minsan ay libre pa ang kursong pagtuturo. Pero dahil dito ay madami din mga nagiging teachers na hindi naman talaga nila passion ang pagtuturo. Kaya nagkakaroon ng mga guro na tamad at walang pakialam sa kanilang estudyante.

Pero hindi ko din sila masisisi. Halimbawa etong teacher na knkwento ko, siguro may iba pa siyang pangarap. Baka gusto niya talaga maging pintor o di kaya ay reporter. Ngunit wala lang talagang perang pang-aral ang kanyang magulang para sakanya kaya’t napilitan siya sa kasalukuyang landas niya.

Sana mas bigyan pansin ng ating pamahalaan ang mga mahal nating guro. Kahit na dagdag benepisyo at sahod. Dahil etong mga tao na ito ang may hawak ng ating kinabukasan, which is ang kabataan. Paano nalang kung tamad ang guro? Edi tamad din ang estudyante! Kanina paba sila matututo? Edi kay teacher!