Bakit kaya nagrereklamo ang anak ipaliwanag?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit kaya nagrereklamo ang anak ipaliwanag?

Sagot verified answer sagot

Nagrereklamo ang anak dahil sa kanilang estado sa buhay. Base sa kwento, sila ay mahirap na pamilya lamang. Mahirap man ngunit natutugunan naman ng kanyang ina ang kanyang mga pangangailangan. Subalit iyon ay hindi sapat para sa anak.

Nais ng anak magkaroon ng marangyang buhay. Nais niyang makakain ng mas masasarap na pagkain, na kahit kailanman ay hindi nag-uulit ng ulam. Nais niyang mabili ang kanyang mga gusto na walang inaalala kung saan huhugot ng pera.

Kaya naman panay ang reklamo ng anak dahil siya ay isinilang sa isang mahirap na pamilya. Aniya ay sana’y hindi na lamang siya isinilang kung ganoon ang estado ng kanyang buhay.