Bakit kinakailangang aksyunan ng kinauukulan ang lumalalang isyu sa pagbaha?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit kinakailangang aksyunan ng kinauukulan ang lumalalang isyu sa pagbaha?

Sagot verified answer sagot

Kinakailangang aksyunan ng kinauukulan ang lumalalang isyu sa pagbaha upang maiwasang mapinsala ang mga likas na yaman at ito ay hindi rin makapinsala sa ating pamayanan.

Ang patuloy na pagbaha ay talaga namang nakakapinsala ng mga halaman, puno, at kagubatan na siyang tinitirahan ng mga hayop. Ito rin ay nakasisira ng lupa at mga daanan.

Kapag hindi naagapan ang lubusang pagbaha ay maaaring magkaroon ng sakit ang mga tao dulot ng maruming tubig at maaari ding pasukin ng tubig ang kanilang mga kabahayan.

Nakakaapekto ito sa mga mamayanan na mabababa lang ang lupa at may ilan din ang nasasawi dahil dito kaya hindi ito dapat na ipagsawalang bahala.