Katanungan
bakit kinakailangang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong pagsulat?
Sagot
kinakailangang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong pagsulat upang mahusay na maipahayag ang damdamin at kaisipan na nais iparating.
Ang akademikong pagsulat ay isang uri ng sulatin na nangangailangan ng mataas na antas na pagkakaunawa.
Ito ay mahalagang pag-aralan partikular na sa sekondarya at kolehiyo upang sa gayon ay magkaroon ng mainam na kasanayan ang mga tao para maipahayag ang kanilang damdamin at kaisipan sa paraang nauunawaan ng lahat.
Ang kasanayan sa pagkatuto ng pagsulat ng ganitong uri ng sulatin ay nakatutulong din upang ang isang manunulat ay makakalap ng mga mahahalagang datos na magiging kapaki-pakinabang sa sulating nais pagtuunan ng pansin.