Bakit labag sa konstitusyon at saligang batas ng Pilipinas ang patakarang Parity Rights?

Katanungan

bakit labag sa konstitusyon at saligang batas ng pilipinas ang patakarang parity rights?

Sagot verified answer sagot

Labag sa konstitusyon at Saligang Batas ng Pilipinas ang patakarang Parity Rights dahil ito ay kasunduang nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na linangin ang mga likas na yaman ng bansa.

Alinsunod sa Saligang Batas ng 1935 partikular na sa Artikulo XII, unang seksyon, ang parity rights ay hindi pinahihintulutan sa bansa dahil ang mga likas na yaman o natural resources ng bansa ay ekslusibo lamang para sa mga ipinanganak na Pilipino o di naman kaya ay mga korporasyong nagtataglay ng 60 porsyento ng pagka-Pilipino.

Maigting itong tinutulan ng pamahalaan laban sa Estados Unidos sapagkat ang nais ng mga ito ay magkaroon ng pantay na karapatan sa mga Pilipino sa paggamit ng yamang likas na kinakitaan naman ng hindi makatarungang pagganap para sa bansa at sa mga Pilipino.