Bakit mahalaga ang appian way?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit mahalaga ang appian way?

Sagot verified answer sagot

Isa sa mga kauna-unahang daan na umusbong noong sibilisasyon ng sinaunang Roma ay ang tinatawag na Appian Way.

Ito ang daan na kumukonekta sa kabisera ng bansang Italya na Rome patungo sa timog-silangang bahagi ng bansa na lalawigan ng Brindisi.

Ang daan ay ipinangalan kay Appius Claudius Caecus, isang mahistradong Romano na nagpasimula sa paggawa ng Appian Way.

Mahalaga ang daan na ito sa kasaysayan dahil ito ang pangunahing tumulong upang ang mga kagamitang militar ng bansa ay mailipat mula sa isang lungsod patungo sa kabila.

Naging madali ang transportasyon para rin sa mga sundalo na siyang tunay na nakatulong sa digmaang kinaharap ng Italya noon.