Bakit mahalaga ang haligi ng disente at marangal na paggawa?

Katanungan

Ano po ang kahalagahan ng haligi ng disente at marangal na paggawa?

Sagot verified answer sagot

Haligi para sa isang disente at marangal na paggawa ang tawag sa apat na batayan ng mga mangagawa upang masiguro na hindi naaabuso ang ating mga manggagawa at may sapat na proteksiyon ang kanilang mga karapatan.

Ang apat na haligi ay ang mga smusunod: Employment, Worker’s Right, Social Protection, at Social Dialogue.

Sakop ng mga haligi na ito ang mga karapata ng mangagawa, lalo na pagdating sa pagkakapantay-pantay pagdating sa sistemang paggawa.

Ang mga haligi ring ito ang nagpapaigting ng mga batas na ipinapatupad para sa proteksiyon at ikagaganda ng buhay ng mga manggagawa.

Hinihikayat rin ng mga haligi na ito ang mga kumpanya, negosyante, at iba pa na tratuhin nang tama ang kanilang mga empleyado.