Bakit mahalaga ang kaalaman sa komposisyon ng populasyon?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang kaalaman sa komposisyon ng populasyon?

Sagot verified answer sagot

Mahalaga ang kaalaman sa komposisyon ng populasyon upang malaman ang tamang pagkontrol sa pagdami ng tao at tamang pagtugon sa suliraning angkop dito.

Ang populasyon ay tumutukoy sa bilang o dami ng tao sa isang lugar. Ang paglobo o pagdami ng populasyon na tiyak na hindi kontrolado ng pamahalaan ay nakapagdudulot ng suliranin sa bansa.

Sapagkat habang dumarami ang mga tao ay siya namang pagliit ng mga pinagkukunang yaman sa ating bansa. Ang pagdami rin nito ang nagiging sanhi ng pagkasira ng ating mga likas na yaman.

Kahirapan at kawalan din ng trabaho ang ilan pa sa mga suliraning kalakip nito kung kaya’t mahalagang malaman ang komposisyon ng populasyon upang sa gayon ay makabuo ng panukala ang ating pamahalaan hinggil sa angkop na bilang ng isang pamilya at kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga ito at iba pang suliranin na kalakip ng paglobo ng populasyon.