Bakit mahalaga ang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica?

Katanungan

bakit mahalaga ang kabihasnan na umusbong sa mesoamerica?

Sagot verified answer sagot

Mahalaga ang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica dahil nakatulong ang mga ito sa pagkakakilanlan ng mga produkto gaya ng piramide, kalendaryo, suspension bridge, at konsepto ng zero na hanggang sa kasalukuyan ay masusing pinahahalagahan.

Ang mga ilang kabihasnang umusbong sa Mesoamerica ay ang Maya na kinakitaan ng angking galing sa larangan ng arkitektura.

Sila ang nagpamana sa kasalukuyang panahon ng piramide, templo, at liwasan. Ang Aztec naman ay nagpakita ng kagalingan sa larangan ng arkitektura, inhinyeriya, astronomiya, matematika, at sining na silang unang nagbigay halaga sa edukasyon.

Sa kanila nagpasimula ang pag-aaral ng ga kabataan sa larangan ng relihiyon, kasaysayan, at kultura.